UP Diliman Survey
For lack of anything better to do on this rainy Sunday evening:Student Number?
85-14360 and proud of it! Hehe.
College? Course?
CMC (BA Broad Comm '89), LAW (LL.B '94), and before that UP Clark AB (MA Asian Studies/Public Ad pero sinipa ang US Bases e, buti nga.)
Nag-shift ka ba/na-kick-out?from what to what college?
Shifted (voluntarily!) from CAL (BS Humanities) to College of Mass Comm. Pre-med course pa sya noon, pero hindi kaya ng powers ko ang Chem 16...at irresistible ang tawag ng showbiz...
Saan ka kumuha ng UPCAT?
Yikes. Auditorium, katabi ng Physics Pav, ng College of Science - one complex lang yun dati, nasa AS pa.
Favorite GE subjects?
Spanish 1, 2, and 3 under Senor Maranan. Anthro 187 - Sex and Culture under Prof. Mike Tan.
Favorite PE?
Swimming
Name your 4 PEs:
PE 1, Swimming, Tennis (o ha), Modern Jazz (double o ha!)
Favorite Prof:
Diane Teotico (RIP), Broad 101 and 103 (Intro to Broad, Radio Production); Evelyn David, Broad 121 (TV Production); Robin Rivera, Broad 111 (Radio Performance) Arno Sanidad, Criminal Procedure; Mike Tan, Sex and...er ok nabanggit ko na yun.
Pinakasikat na Prof:
Malou de Guzman the actress, Broad 124 (TV Performance); Arno Sanidad the Erap prosecutor; Cris Vertido the film director (Film Production Management); Alex Magno the stage actor (Theater Management...talagang feeling manager); Sari Yap the magazine editor (Broadcast Programming); Mike Tan the columnist; Gel Santos-Relos the newscaster (thesis adviser!) at Cheche Lazaro (sa TV internship).
Pinaka-ayaw na GE subject
Nat Sci 2 (nung Physics pa sya!)
Kumuha ka ba ng Wed or Sat classes?
Dehins. Unless walang choice - Wednesday ice-skating kami sa MegaMall hehe. Saturdays, Medical Jurisprudence - na once ko lang pinasukan.
Nakapag-field trip ka ba?
Of course, out-of-town location shoots for our Broad and Film classes kuno hehe.
Orgs/Frats/Soros?
SAMASKOM, IBA, CMC Student Council;
UP Law Portia Sorority, Philippine Law Journal, UP Law Debating Team, Society of Law Students, Paralegal Volunteers Org, UP Law Student Government, Inter-sorority Council, STRAW (Students Rights and Welfare) Alliance
Tambayan?
SAMASKOM tambayan sa CMC, sa lahat ng sulok ng Mass Comm, Goldmine, Celebrity Sports;
Portia Room, Law Lib steps, OLA room, Office ni Tadiar, LSG Room, Org Room
Dorm, boarding house, o bahay?
Bahay. Tambayan din pala ang bahay.
Naka-inom ka ba sa Sarah's o Gulod/ Likha- Diwa?
One time, in 1993 yata, dahil kinaladkad ng Section B, UP Law Class 1994. Sosyal daw ang Section A, sa Trellis, Tia Maria, at sunken garden/lagoon kasi kami lagi.
Paboritong fishball?
Music, Law. Basta may Mountain Dew.
Me suki ka bang bananaQ vendor?
Wala yata. Yung sa SC siguro, lumpiang togue.
First movie na napanood sa FC?
Boatman, uncut, 1986. Yikes, nene pa man din ako nun.
First play na napanood mo sa UP?
Isko sana, pero hindi. I cannot remember. Basta Camino Real was one of first.
Nakapag-date ka ba sa sunken garden?
Ay, oo. Bad trip lang, walang banyo.
Sa lagoon?
Hmmm. Hinde.
Name the 5 most conyo orgs in UP:
SAMASKOM, SAMASKOM, SAMASKOM, SAMASKOM, Section A.
Name 5 of the coolest orgs/frats/soro in UP:
SAMASKOM. San ka pa? Portia syemps. :-) Paralegal Volunteers Org, tsaka STRAW pag inuman time. Alpha Phi Beta nung kapanahunan ni LC Alex Lacson. Astig.
Napunta ka na ba sa fair?
Of courst.
Ano pinakagusto mong gawin sa UP Fair?
Kain, inom. Panoorin Tame The Tikbalang (take note, nood lang - wala na akong pandinig sa lakas ng sigaw)...dahil kaklase ko si Russell nung elementary.
May frat/soro bang nag-recruit sa yo?
Ay oo. Makukulit lahat. Pero ang pinakamakulit ang nagwagi :-)
Saan ka madalas mag-lunch?
MassComm: sa canteen. Pampanguena's sa Katipunan (ka-miss ang inihaw na baboy!). CASAA. Canteen ng Sampa. Sa SM City food court, pag may pera...at pag maraming pera sa Tokyo Tokyo. Come to think of it, di yata kami kumakain masyado noon...inom lang.
Law: Kalimutan ko na yung mura na masarap na kainan sa Katipunan na masarap yung tapa. Thai canteen ni Mommy sa IC. Canteen sa 5th floor Law Center (eat-all-you-kanin). Beach House, kahit araw-araw. Rodic's. The "wall" sa harap ng Nawasa.
Masaya ba sa UP?
Super sa.
Nakasama ka na ba sa rally?
Oh yes. Warrantless Arrests Are Not Da Best! Yankee Go Home! Matindi pa ang mga isyung pinaglalaban noon.
Tibak ka ba?
Only when I feel strong enough about an isyu.
Ilang beses ka bumoto sa student council?
More than I've voted in Philippine elections. I don't think I ever missed an SC election.
Nakipagtalo ka na ba sa prof mo about politics?
Nope. Sa American classmate lang (sa UP Clark pa, tigas ng mukha ko) about US imperialism and the neither-confirm-nor-deny nuke policy ng mga onaks. Buti nga, na-lahar sya. Beh.
Nakita mo na bang tumakbo si Fr. Robert Reyes?
Mabilis masyado e.
Sino ang student council chair nung freshie ka?
Chito Gascon. Nung 2nd year ako, si Kiko Pangilinan. 3rd year, si David Celdran. Celebs! Tander-cats!
Sinamahan ka ba ng parent/s mo nang mag-enrol ka nung freshie?
Eeek. Yata...ng Nanay ko. Hehe.
Nagtaka ka ba kung saan ang TBA?
Duh. Nahanap ko na.
Sino first ever nakilala mo sa UP?
Si Eloisa Gutierrez (if I remember correctly), ang kaisa-isahan kong blockmate sa BS Humanities. Sa Mass Comm (aside from my friends from UP San Fernando na nag-shift din), si Patrick Victor Ramon Arcenas Segovia.
Magkakilala pa rin kayo hanggang ngayon?
Ay, I wonder whatever happened to Eloisa. Si Bong "Sepoi" Segovia ng NSFV Cainta, one of my best k**al friends ko pa rin to this day, living proof na ang La Sallista, magaling talagang...mambola. Este, sumayaw ng strut.
Ano first ever class na pinasukan mo sa UP?
Math 11. Yesssssssss.
Best clothes mo ba ang suot mo n'ung first day of classes?
Syemps. Kadiri!
Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka?
Of course, iba na ang nerd.
E nung graduating ka na?
The greatest relief in my life ang hindi maghabol ng honors. Pero konti nalang, sayang...1.78 GWA.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home